Pinanood namin ang Teeth noong Sabado. Nabanggit na ito sa Feministing at maganda ang review nila.
Base sa plot, mabibigyan ito ng label na horror/thriller movie kasi me ngipin yung vagina, nangangain ng penis. Nakakatakot, nakakadiri. Men, beware who you'll have sex with.
Para sa akin, simple lang ang mensahe ng pelikulang ito. Kung gusto mong makipagtalik at gusto rin ng kapareha mo, okay lang yon. Lahat, mapababae, lalake, bakla o tomboy, ay entitled sa kanyang sexual desires at sexual pleasures. Pero kung ayaw ng isa sa inyo, respetuhin mo yun. Walang pananakot, walang pamemwersa.
Naipakita rin ng pelikula ang hypocrisy ng abstinence-only education na sinusulong ni President Bush. Wag na tayong lumayo. Magkapareho sila ng linya ni Pangulong Arroyo. Ngayon nga ay mainit na mainit ang tunggalian tungkol sa Reproductive Health Bill sa Kongreso.
Sabi ni Arroyo sa kanyang SONA, bahagi ng informed choice ang pagpalalaganap sa mas maraming couple ang tungkol sa natural family planning. Too restrictive. Let me correct that. Bahagi ng informed choice ang pagkakaloob ng mas malawak na choice at isa lang ang natural family planning doon.
Isang bahagi lang yan. Mas malawak pa ito na usapin. Ang UP Manila Center for Gender and Women Studies kung saan ako kabilang ay nag-oorganisa ng rountable discussion on the RH Bill. Ito ay gaganapin sa Agosto 7, 2-4pm sa COME Center Training Room, Paz Mendoza Building, UP College of Medicine, Pedro Gil, Manila. Ang mga dadalo ay sina Dr. Junice Melgar ng LIKHAAN, Bb. Kristin Lagman, kinatawan ni Rep. Edcel Lagman na isa mga may-akda ng bill, at gender at RH advocates ng buong UP Manila.
Hindi pag-aari ng Estado o ng Simbahan ang katawan ng kababaihan! Wala itong karapatang magdikta. Dumalo sa RTD sa Agosto 7.
30 July 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment