Wala akong makitang link tungkol sa balitang gang rape ng isang disisais anyos na estudyante ng PUP. Hindi ko rin ito napanood sa news kahapon, yung teaser lang. Sa isang blog na nabisita ko, binanggit na yung estudyanteng babae ay pinagamit ng droga at hinalay ng 20 kapwa estudyante sa loob ng tatlong araw sa isang silid sa loob mismo ng PUP campus. Base sa slant ng balita, sinisi ang seguridad ng eskwelahan. Sa isang forum naman, binanggit na kakaiba na talaga ang kabataan ngayon.
Hangga't hindi naaalis sa ating lipunan ang persepsyon sa kababaihan na mas mababang uri kesa kalalakihan, hindi matatapos ang kultura ng karahasan laban sa kababaihan. Ito ang isyu, higit pa man sa isyu ng seguridad sa isang institusyon katulad ng eskwelahan na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng mga estudyante nito. Hindi rin masasabi na mas maloko at mas mulat sa sex ang kabataan ngayon. Noon at ngayon, walang masyadong pinagkaiba sa pagpapalaki sa kabataan. Sa rite of passage ng mga binatilyo, tino-tolerate pa nga ng mga magulang kung magkakaroon ng karanasan ang kanilang anak na lalake sa sex. Samantala, ang mga dalaga ay inaalagaan at pinoprotektahan ang pagkabirhen.
Talamak din ang date rape. Kaya mas mag-ingat sa mga kakilala kesa mga estranghero. Ang panganib ay hindi lamang sa madidilim na lugar. Mas madalas, ang panganib ay nasa mas pamilyar na lugar at sa kamay ng mga pamilyar na tao, kakilala o kaibigan. Kaya totoo ang sinasabi ng mga magulang, pumili ng kaibigan. Sa pakikipagligawan, dapat may boundaries. Pag gusto, gusto. Dapat mutual. Pag sinabing hindi, hindi. Hindi iyon pagpapakipot. Hindi iyon pagpapahabol. Nasa persepsyon ng babae kung nararamdaman nya na naba-violate na sya. Hindi pwede ang "She asked for it" o "Ginusto naman nya".
No means no.
04 July 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



3 comments:
it's not because guys are looking down on girls, it is because girls are giving the guys an opportunity to do it.
she joined that so-called FRAT that's why she got raped.
more or less, that was her fault also. she could've think twice before joining on that kind of FRAT.
and now they're putting the blame on the officials of the school. how pathetic they are to blame someone who's not involved in that incident.
anyway, i'm not against anyone in this incident. it's just i can't see the thing that must be done.
Kaya nga nakakainis na ang mga kabataan ngayon, kc halos lahat sila may bisyo, high skul pa lang naninigarilyo at nadrodroga na, asan na ngayon ang pangangalaga ng mga magulang? wala diba?
sa totoo lang nashock ako sa nabalitaan ko about that gang rape? and naaawa ako sa 16 years old na freshmen student, kakapasok lang ng paaralan nasira na ang dignidad at kinabukasan niya, kahihiyan pa ang sinabit niya sa loob pa naman ng PUP campus, sana ikulong na ang mga gang na yan, salot lang sa paaralan at pamayanan.
Hindi na sila naawa sa kanilang kapwa, palibasa kasi manyakis.
Sana man lang naiicp nila ang kinabukasan ng bata, sobra ang ginawa nila,
Payo ko sau adding kung sakaling mabasa mo itong comment ko here, sana kahit kahihiyan inabot mo, huwag mo sanang sirain ang buhay mo,laging anjan si God para sau, xa na ang bahala sa mga taong walang kwentang gumawa ng kahihiyan mo...
To all People here in the Phils.
Pls!! help the victim of the PUP student Gang rape!!!
Godbless!!!
alexis, na-shock din ako sabalitang ito. dagdag ko lang, hindi nanghahalay ang isang tao dahil manyakis sya. nanghahalay ang isang tao dahil ang pakiramdam nya ay mas may kapangyarihan sya laban sa isang tao. sabi nga ng boss ko, kung nag-uumapaw ang libog mo para sa isang tao, maraming kang magagawa para maibsan ang libog na yon (tell me about it hehe). pero hindi kasama don ang panghahalay. kung ang tingin mo sa isang babae o lalake o bakla o tomboy ay kapantay mo, hindi mo sya pag-iisipan na gawan ng karahasan.
masterkumento, ang bawat babae ay may karapatang sumali sa isang organisasyon. pero walang karapatan ang sinuman na lapastangin sya ng sekswal. hindi naman hinihingi o ninanais ng kahit sino'ng tao na mahalay sila.
may pananagutan ang unibersidad dahil sila ang inaasahan na mangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga estudyante nila. kahit hindi tuwirang kasama sa insidente ang unibersidad, may accountability pa rin sila.
masterkumento, attend ka minsan ng gender orientation namin.
Post a Comment