Malapit nang matapos ang first trimester.
Second check-up: Nabawasan ang timbang ko ng apat na libras. Kasi nung first check up ko, wala pa akong trabaho nun. Syempre nakapahinga ako nang matagal, tulog nang tulog. Nung nagkatrabaho ako, syempre araw araw na ang pasok. Nagta-travel pa. Saka stage na rin ng paglilihi, nahihilo at nasusuka kaya nabawasan ang timbang.
Me heartbeat na raw. Diretso ang pag-inom ko ng multivitamins at folic acid. Umiinom din ako ng Anmum, yung chocolate. Meron din para sa pagsusuka pati para sa UTI. Buti na lang ordinary UTI lang, walang impeksyon sa pwerta.
Kelan ko ba nalamang buntis ako? Ahh, nilagnat ako nun. Mainit ang katawan ko saka nilalamig ako. Pero hindi pala lagnat yun. Hindi kasi sumasakit ang ulo ko saka mga kasu-kasuan. Saka lagi akong inaantok. Kunwari, gigising ako ng alas otso tapos kakain ng almusal. Pagkakain, tulog uli. Tulog nang tulog.
Sumabay din ang dalawang job offers. Uy, swerte.
"Balita ko'y may anak ka na, ngunit walang asawa..."
"Buntis ka na pala sa probinsya ng Quezon at nagba-bunjee jumping. I can't believe ahahaha..."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



2 comments:
anuba, "when it rains, it pours" ang drama!
kakaloka!
congrats! :)
B
Thanks, B!
Post a Comment