Sa isang linggo pa ako magpapa-ultrasound. Hula ng mga kaopisina ko, lalake raw. Bakeet, haggard ba ako?! E kasi sabi nila, glowing daw ang mother to-be pag babae ang magiging anak. Hindi ako glowing, ganon?!
Sabagay, gusto ko rin naman ng lalake. Meron pa rin akong (un)feminist notion na pag babae, fragile at kailangan ng extra care at protection kumpara sa lalake. Mas nag-aalala ako para sa babae kasi in her lifetime, makakaranas at makakaranas sya ng pang-aabuso. Hindi lang ito tumutukoy sa extreme cases katulad ng karahasan laban sa kababaihan (violence against women) kundi yung "karaniwang" double standard at unfair gender differentiation na nagsisimula sa pagkabata. Halimbawa, sa mga larong pambata, bawal umakyat ng puno ang babae. Dapat manika at bahay-bahayan lang ang paglaruan nya. Kung tutuusin, pati ang kalalakihan ay nakakaranas ng opresyon at diskriminasyon. Sa mga batang lalake, dapat baril-barilan ang kahiligan nila. Dapat hindi sila iyakin, at marami pang iba.
Basta mapababae o lalake, welcome na welcome.
Balik tayo sa "glowing" issue. Naalala ko yung ospital na pinupuntahan ko para magpa-check up. Yung clinic ng OB ko, me ka-share na dermatologist. Me nakapaskil na advertisement para mawala yung stretch marks. Parang me conflict. On one hand, inaalagaan ka ng OB mo sa buong estado ng pagbubuntis mo at pagkatapos nito. On the other hand, ang mensaheng ipinapaabot ng advertisement ay pagiging uncomfortable sa iyong sariling katawan. Unwelcome ang stretch marks at mga bilbil na resulta ng panganganak. Parang binubura ang "unsightly" at "unwanted" traces of pregnancy. May pressure sa buntis na kababaihan na mag-conform pa rin sa standards of beauty.
Basta, welcome ang stretch marks at bilbil.
10 December 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



1 comments:
when my wife was pregnant, she kept asking me if she looks "glowing". her relatives already predicted that it would be a boy (they've thought she's not glowing. hehehe.). But the ultrasound showed that a "makulit" girl would be our panganay. And since I wanted to have a son, my wife worried that I would not be that caring for the child. Now she knows there's no need to worry as I have become a doting father to our daughter. hehe
Post a Comment