30 July 2008

Ang ngipin ng RH bill at ng gobyerno ni Gloria Macapagal-Arroyo

Pinanood namin ang Teeth noong Sabado. Nabanggit na ito sa Feministing at maganda ang review nila.

Base sa plot, mabibigyan ito ng label na horror/thriller movie kasi me ngipin yung vagina, nangangain ng penis. Nakakatakot, nakakadiri. Men, beware who you'll have sex with.

Para sa akin, simple lang ang mensahe ng pelikulang ito. Kung gusto mong makipagtalik at gusto rin ng kapareha mo, okay lang yon. Lahat, mapababae, lalake, bakla o tomboy, ay entitled sa kanyang sexual desires at sexual pleasures. Pero kung ayaw ng isa sa inyo, respetuhin mo yun. Walang pananakot, walang pamemwersa.

Naipakita rin ng pelikula ang hypocrisy ng abstinence-only education na sinusulong ni President Bush. Wag na tayong lumayo. Magkapareho sila ng linya ni Pangulong Arroyo. Ngayon nga ay mainit na mainit ang tunggalian tungkol sa Reproductive Health Bill sa Kongreso.

Sabi ni Arroyo sa kanyang SONA, bahagi ng informed choice ang pagpalalaganap sa mas maraming couple ang tungkol sa natural family planning. Too restrictive. Let me correct that. Bahagi ng informed choice ang pagkakaloob ng mas malawak na choice at isa lang ang natural family planning doon.

Isang bahagi lang yan. Mas malawak pa ito na usapin. Ang UP Manila Center for Gender and Women Studies kung saan ako kabilang ay nag-oorganisa ng rountable discussion on the RH Bill. Ito ay gaganapin sa Agosto 7, 2-4pm sa COME Center Training Room, Paz Mendoza Building, UP College of Medicine, Pedro Gil, Manila. Ang mga dadalo ay sina Dr. Junice Melgar ng LIKHAAN, Bb. Kristin Lagman, kinatawan ni Rep. Edcel Lagman na isa mga may-akda ng bill, at gender at RH advocates ng buong UP Manila.

Hindi pag-aari ng Estado o ng Simbahan ang katawan ng kababaihan! Wala itong karapatang magdikta. Dumalo sa RTD sa Agosto 7.

29 July 2008

Another round of rock

Kinabog ang Bench Blackout. Rock Against the Round, Mogwai, Cubao X, July 25, 2008.


Present!


Bogsa.


Sir Lourd


Gow sagow


Ebe, este Vin pala


Manong Vin


Diego


Diegggggoooooooo


Lemon Lime


Sandwich

24 July 2008

Wala pa nong DVD

Ngayon, meron nang Blu-ray.

1. Dr. Seuss' Horton Hears a Who!
2. Sicko
3. Shine A Light
4. Teeth
5. Beijing Bicycle
6. Damages Season 1

Rock against the Round 2008

Filipino musicians are Rocking Against the Round this Friday, July 25 at Mogwai in Cubao X, Metro Manila, PHILIPPINES, joining activists around the world in the global call to reject the Doha “Development” Round.

The World Trade Organization (WTO) is holding a Mini-Ministerial this week – July 21-26 in its headquarters in Geneva, Switzerland. This informal meeting being hosted by WTO Director General Pascal Lamy aims to conclude the Doha “Development” Round but is only being participated in by around 30 trade ministers out of the more than 140 plus members of the WTO and is using unfair and imbalanced texts as the basis of negotiations. More...

Macho Hollywood

What's wrong with this article?

Tinseltown's leading ladies may generate more tabloid ink, but when it comes to blockbuster paychecks, Hollywood is still a man's town.

In an era where risk-averse studio executives have declared men the more reliable movie stars-- and the more desirable moviegoers -- perhaps it's no surprise that they are also the medium's top earners. The reality: Hollywood's 10 best-paid actors out-earned Hollywood's 10 best-paid actresses 2-to-1 over the course of the year. More...

Tiyak yon!


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

23 July 2008

I want

1. Yokohama bike
2. Coca cola glass at Mcdo
3. Dibidi sa Quiapo
4. Gladiator sandals
5. F & H blue belt
6. Bench boxer shorts
7. Headband ala Blair d Bitch
8. Clairol conditioner
9. Schick razor
10. Balikbayan box

Primetime bida

Nagpatulong ang pamangkin ko na Grade 5 na ngayon na gumawa ng dula. Basta ang setting ay ang buhay sa tabing-dagat. E di isip isip kami. Magbabatuhan kami ng ideya tapos sya na ang magsusulat. Edit ko na lang pagkatapos.

Dapat may mayaman at may mahirap. Dapat may conflict. Yung mayamang pamilya ay may-ari ng pabrika ng semento. Nilalason nito ang dagat. Wala nang mahuli ang maliliit na mangingisda. Nagrereklamo ang mga trabahador ng pabrika sa maliit na pasahod. Dapat may love story din para kilig. Anak si babae ng may-ari ng pabrika. Anak si lalake ng mangingisda.

Nagkaroon ng demonstrasyon sa harap ng bahay ni Don Felipe. "Don Felipe, pahirap sa masa!" Isa sa mga nangungunang demonstrador ay ang ating bidang lalake. Pinuntahan sya ni bidang babae. "Mag-iingat ka kay Papa," sabi nito. Nalaman ito ni Don Felipe, "Walanghiya kang babae ka (at iba pang kachuvahan)!"

Pinapatay ni Don Felipe ang tatay na ating bidang lalake. Nagkaroon ng kaguluhan. Sinunog ng taong-bayan ang pabrika. Nagsisi na si Don Felipe at umalis na sa bayan na iyon. Payapa na sa lugar. Samantala, ang ating dalawang bida ay nagsama at namuhay ng maluwat.

Wakas

Maaaring gasgas na ang kwento pero nangyayari pa rin ito. Sa nakaambang pagpasok ng Intex na isang mining company sa Silonay, nanganganib ang aming paraiso aniya nga ni Agui. Nagkakaroon ng tunggalian sa pagitan ng naghaharing uri (ang magkasamang pwersa ng Intex at ang nasyunal na gobyerno na hayagang sumusuporta sa mining activities sa buong kapuluan) at ang komunidad (kasama ang Sinbahan, ilang NGO at lokal na pamahalaan).

Syanga pala, nag-text ang pamangkin ko. Best group daw sila. Mukhang magiging exciting ang homecoming ko.

Itutuloy...

17 July 2008

We Grew Up with the Eraserheads!

"We Grew up with the Eraserheads! Survey mula sa Eraserheads mailing list:

1.Pangalan: Shirley
2.Kasalukuyang edad: 28
3.Edad mo nung una mong narinig ang Eheads song sa radio/tape/CD: 13
4.Ano'ng unang Eheads song ang napakinggan mo at taon: Ligaya/ 1993
5.Fave Eheads song at album: Circus/ Cutterpillow (lahat don!)
6.Fave member: Ely
7.I-describe ang Eheads sa isang salita: Supreme

Hundred amen

Ayon sa news headline noong Lunes, "Anti-life pols must be refused communion." Sagot naman ni Ma'am Guy Claudio, wag ding bigyan ng komunyon ang mga pari na may mga ganitong katangian:

a) have had sexual liaisons with adults. (Note: some of us think we should allow Catholic priests to marry the man or woman of their choice, so it isn't the sex part per se but the hippocrisy.)

b) who are pedophiles (Note: while being permissive of many sexual/erotic expressions I draw the line at practices where consent is clearly absent or cannot be truly given: rape and sexual harassment, pedophilia, intercourse with animals.) More...

14 July 2008

Eraserheads Reunion Concert

Tuluy na tuloy na! Tambling na sa CCP Open Grounds sa August 30. Kinabog sina Alicia Keys, U2 at Madonna. Dedma na. Eto ang pinakamalaking pasabog ng taon.

Eds, Mariel, Agui, Twinks, batchmates, gora tayo! Aaw, J and Brends, uwi kayo hehe.

Saan makakakuha ng ticket?!

Eto pa ang ibang detalye mula kay Karla. Eto naman ang mula sa Philmusic.com.

Downside: Kung totoo ang sabi sabi, Marlboro ang sponsor.

Back to Me.

11 July 2008

Shirley's Top Ten Videoke Hits

Isa munang mahalagang anunsyo. Text ni Twinks sa akin ngayong umaga, nakapag-contract signing na raw ang Eheads para sa isang reunion concert sa December. Syet! Gagawin ko ang lahat pati ang thesis mo, makapanood lang ng Eheads na konsyerto. Ngek.

Eto naman, ginaya ko si pinkpeso. Maglilista rin ako ng aking top ten sa videoke.

Mga pa-tweetums:

1. Cool (Gwen Stefani)
2. Linger (Cranberries)
3. My Favorite Mistake (Sheryl Crow)

Mga pang-angas:

4. Burnout (Sugarfree)
5. Goodbye to Love (Carpenters)

Mga pang-rockstarrrr:

6. I Remember You (Skid Row)
7. Lithium (Nirvana)
8. Something (George Harrison)

Mga pang-chill sa duyan:

9. Magasin (Eraserheads)
10. Just Like Starting Over (John Lennon)

Happy weekend everyone! Habol pa sa Eiga Sai.

10 July 2008

turn off

10. lousy manamit, baduy
9. pangit ang ngipin
8. mali mali ang grammar at spelling
7. corny
6. well hung, not!
5. mayabang
4. hindi marunong humawak ng pera
3. drawing, OPM (oh promise me)
2. emotera
1. sinungaling

09 July 2008

micro blog

sali na kayo sa blip.fm. puro 90s songs ang pino-post ko.

ipapagawa ko pa pala ang audio ng laptop.

despedida na ni tita isang ngayong sabado. syushal, sa wack wack!

pagkatapos, diretso na sa eiga sai.

nanghingi ako ng native na manok kay majal.

kumusta naman ang baka sa kaparangan?

sa isang linggo na ako makakauwi para masilayan ang aming bagong kubo.

may hinihintay akong big announcement sa isang linggo. make or break. tuhog.

04 July 2008

Rakenrol Irishirhids

Habang tinitingnan ko ang listahan ng bloggers na dadalo sa Pond's Blogger Party mamaya sa MOA, nakatawag sa aking pansin ang dalawang bloggers, sina Sha at Karla. Syempre pa, me katagang rocker sa blog names nila. Trulili, kapwa Eheads fans din pala sila. Bilib ako, updated sila sa buhay ng individual members ng Eheads. Ayus!

Grabe, tumaas ang balahibo ko nung napanood ko sina Buddy, Marcus at Raymund sa programa ni Jessica Soho, nagbabalik-tanaw sa kanilang buhay-UP. Si Ely na lang ang kulang.

Compile ko na rin dito yung Eheads-related blog entries ko mula sa isa kong blog:

combo on the run
minsan
minsan may part 2
tag ni brenda
birthday bois and gurls
again, about ely
E-heads book sets mini-reunion for former band mates

Sabi nga ni Romeo Lee pag lashing, "Rakenrol Irishirhids!"

(Update) Gang Rape sa PUP

Eto yung balita na lumabas sa GMA News: PUP officials may be held liable for alleged gang rape - DepEd

Tatlo at hindi dalawampu ang nanghalay. Ang nasabing panghahalay ay naganap umano noong June 25 at may kinalaman din ito sa initiation rite ng isang student organization. Bukod sa droga ay pinainom din ang rape survivor ng alak. May isang sinasabing female accomplice.

Tulad ng balita kahapon sa TV, seguridad sa campus din ang anggulo ng nasabing balita ng GMA.

Sexism in job ads

I can't help it. From an online job search engine:

Advertised: 3-7-08 | Closing Date: 31-8-08
Full Time Teachers in China
(National Capital Reg - Beijing, China)

Requirements:

* Female with pleasing personality (good looks will be an advantage)
* College degree holder from a prestigious university; Education and English Major preferred
* With at least two (2) years of experience in ESL online and offline teaching or traditional set up
* TESOL, TEFL, CELTA Certificate holder
* High level of interpersonal/communication skills
* Punctual and responsible
* Willing to be assign in a twelve (12) month contract

Maraming ganitong klaseng job ads. Yung iba pa nga, specific na male or female ang hinahanap. Me age limit pa. Sobra nang discrimination.

Identity Theft

Eto ang ginagamit kong picture sa Friendster,Facebook, LinkedIn, Twitter, YM at MyBlogLog:



Hindi ako yan, si Samantha Mumba yan, isang Irish pop star. May pagkakahawig ba kahit papano? Hehe. Feeling ko ako na talaga sya. Naku, hindi kaya ako ma-ban nito?

Quota na sa blog post haha!

Sexist rants at Wimbledon, etc.

From Margie David Collins' article in PDI

We have been entertained this year by Justin Gimelstob, an American pro tennis player who, in a recent radio interview, gave us the benefit of his sexist rants on some of the world’s top-seeded female players. “Female tennis players lack social skills; they don’t go to high school, they don’t go to parties,” he said.

A former mixed-doubles champion who commentates on Wimbledon for an American cable channel, Gimelstob described semiretired Anna Kournikova as “a bitch. I just despise her to the maximum level, just below hate. She has a great body, but her face is a 5. I wouldn’t mind my younger brother, who’s a kind of a stud, nail her and then reap the benefits of that.” He called Tatiana Golovin, ranked 21 in the world, as a “sexpot.” Opining that there are fewer lesbian players than 15 years ago, he said, “that’s because they’re all Russian chicks. And there are some cute ones out there.” Fault!


Ang mga babaeng tennis player ay tinatangkilik base sa kanilang skills o competence hindi base sa kanilang itsura o sekswal na oryentasyon.

Also from PDI (Kinny Salas-Amparo's column),

Finasteride, according to Dr. Adolfo “Jun” Bormate, the hair-loss fighting tablet, has been declared off limits for all women, especially for those in child bearing age as it may cause feminizing of a male fetus.

Ano'ng ibig sabihin, magiging bakla ang anak na lalaki dahil sa hair-loss fighting tablet na ito? So? Mas isyu rito ang masamang epekto ng gamot sa kalusugan ng nagbubuntis.

Gang Rape sa PUP

Wala akong makitang link tungkol sa balitang gang rape ng isang disisais anyos na estudyante ng PUP. Hindi ko rin ito napanood sa news kahapon, yung teaser lang. Sa isang blog na nabisita ko, binanggit na yung estudyanteng babae ay pinagamit ng droga at hinalay ng 20 kapwa estudyante sa loob ng tatlong araw sa isang silid sa loob mismo ng PUP campus. Base sa slant ng balita, sinisi ang seguridad ng eskwelahan. Sa isang forum naman, binanggit na kakaiba na talaga ang kabataan ngayon.

Hangga't hindi naaalis sa ating lipunan ang persepsyon sa kababaihan na mas mababang uri kesa kalalakihan, hindi matatapos ang kultura ng karahasan laban sa kababaihan. Ito ang isyu, higit pa man sa isyu ng seguridad sa isang institusyon katulad ng eskwelahan na dapat ay nangangalaga sa kapakanan ng mga estudyante nito. Hindi rin masasabi na mas maloko at mas mulat sa sex ang kabataan ngayon. Noon at ngayon, walang masyadong pinagkaiba sa pagpapalaki sa kabataan. Sa rite of passage ng mga binatilyo, tino-tolerate pa nga ng mga magulang kung magkakaroon ng karanasan ang kanilang anak na lalake sa sex. Samantala, ang mga dalaga ay inaalagaan at pinoprotektahan ang pagkabirhen.

Talamak din ang date rape. Kaya mas mag-ingat sa mga kakilala kesa mga estranghero. Ang panganib ay hindi lamang sa madidilim na lugar. Mas madalas, ang panganib ay nasa mas pamilyar na lugar at sa kamay ng mga pamilyar na tao, kakilala o kaibigan. Kaya totoo ang sinasabi ng mga magulang, pumili ng kaibigan. Sa pakikipagligawan, dapat may boundaries. Pag gusto, gusto. Dapat mutual. Pag sinabing hindi, hindi. Hindi iyon pagpapakipot. Hindi iyon pagpapahabol. Nasa persepsyon ng babae kung nararamdaman nya na naba-violate na sya. Hindi pwede ang "She asked for it" o "Ginusto naman nya".

No means no.

What's Inside my Bag?




1. puca shell coin purse
2. peso bills
3. IDs and ATM cards
4. Motorola cellphone
5. Motorola charger
6. toothbrush
7. toothpaste
8. dental floss
9. black folding umbrella- ella- ella
10. Clusivol
11. tooth comb
12. Cucumber melon fantasy cologne
13. Burt's Bees beeswax lip balm
14. Neutrogena Fine Fairness UV compact beige
15. The Body Shop lip gloss soft plum
16. in2it eyeshadow
17. tweezer
18. dorm keys
19. Kingston flash drive
20. Pilot ballpen and signpen
21. IBON planner
22. Papemelroti notebook

Mud About You



Kailangan ko nang magkaroon ng sariling digicam.

Photo taken by Sheila P.