Puno na ang sched ko hanggang Mayo. Fieldwork ng January-February, pagsusulat ng annual report sa March, pagsusulat ng case studies sa April-May, due date sa katapusan ng May na pwede ring umabot ng first week ng June. Dapat makapapag-sched na rin ako ng thesis defense. Last sem ko na ito, mae-MRR na ako. Gusto kong magmartsa sa April.
Heniweys, hahabol ako sa New Year's resolution. Hindi resolution e, mas outcome. Yung mga pagmumuni-muni ay sa ibang entry na lang. Noong isang taon, ang top five ko ay ang mga ito: bagong trabaho, thesis, business, weight gain, at secret. Ang nangyari lang ay bagong trabaho at weight gain (hindi ba obvious? hehe).
Ngayong taon, mag-ipon para sa baby, business at thesis.
Sa bahay, okay na ako sa basics. Me mahihigaan, me ref, tv, laptop at gasul. Yung tv, sa Japanese surplus ko binili. Sharp ang tatak, 14 inches. Cute nga e, mukhang vintage. Bagay na bagay sa bahay namin.
Me nabili na rin akong mga pants at skirt sa ukay. Issey Miyake at Miu Miu lang naman ang tatak nung dalawa hehe. Mga blouse na lang sa mall. Pag sa mall kasi, pag nakakategorya na maternity dress, mas mahal. Hahanap na lang ako ng medium o large sa ladies'.
Sabi nga sa tagline ng Frugal for Life, use less, spend less, waste less, save more, learn more, be more. Magdadalawang taon na rin akong nagbabasa ng personal finance sites. Marami naman akong napupulot. Naku, lalo na ngayon at maraming pagkakagastusan. Okay ring gawan ng regular entry ang tungkol dito.
Twenty weeks na ang tiyan ko. Pinatigil na ang folic acid, iron naman. Nakakatatlong round na ako ng UTI treatment. Tinaasan pa ang dosage. Magpapa-urine culture pa ako. Titingnan kung saang antibiotic ako hiyang at baka resistant na ako sa isang tipo ng antibiotic. Ikokonsulta ko rin pala kung bakit nilalanggam (ginuguyam ang tawag sa amin) ang underwear ko. Baka me gestational diabetes. Naku, sari sari na. Hihingi rin pala ako ng medical certificate/clearance kasi siula na ng byahe ko ngayong linggo. Ang mga tentative na pupuntahan ay Davao, Cotabato, Antique, Bacolod, Camarines Sur at Nueva Ecija.
It's a boy! Tama ang hula nila. Kahit ako, nung nalaman ko pa lang na buntis ako, ramdam ko nang lalake. O talagang kinundisyon ko na ang sarili ko na lalake. Saka na ang pangalan. Me naiisip ako kaya lang sabi ng inaanak ko, ampangit daw. Syempre dapat native! Dalawa naman ang pangalan e, isang native, isang "moderno". Cool yon.
Bad trip noong weekend. Sobrang paninira. Hindi lang ako nagko-commentus dahil respeto na rin ke Tay. Dedma. Pero kung paiiralin ko ang aking kamalditahan, sasabihin ko, ayoko sa inyo! Period. Ay, exclamation point pala.
On a lighter note, hanep ang bagong commercial ng McDo. Ngiti na naman ako hanggang batok. Napanood na kaya nya? Naalala kaya nya ako? Ahaha!
12 January 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



0 comments:
Post a Comment